Connect with us

Capiz News

Binata nahuling nagma-masturbate sa isang burger stand sa President Roxas, Capiz

Published

on

Naputol ang panandaliang kaligayahan ng isang binata matapos nahuli itong nagma-masturbate sa isang burger stand sa Brgy. Poblacion, President Roxas.

Kinilala ang lalaki na si alyas “Gerald” na residente ng Brgy. Roxas City.

Nabatid na nakaupo ang suspek sa nasabing burger stand nang magsimula itong magmasturbate habang pinagpapantasyahan umano nito ang tindera na nagluluto ng burger.

Nang nasa kalagitnaan na ng kaniyang pagsasarili ay naabutan siya ng isang tricycle driver at dinala sa barangay hall.

Rason ng binata kay Punong Barangay Jeffrey Dela Cruz, nakursunadahan lamang nito ang tindera habang walang kaalam-alam ang tindera na nagmamasturbate na pala ito sa kaniyang harapan.

Pinauwi nalang sa syudad ng Roxas ang suspek matapos nangakong hindi na uulitin ang kaniyang ginawa.

Continue Reading