Connect with us

Capiz News

BOARD MEMBER MARTINEZ HUMILING SA KAPULISAN NA ARESTUHIN SI BM BESA

Published

on

Nagrequest sa Roxas City PNP si Board Member Eleuper Martinez na arestuhin si BM Jonathan Besa kapag nagdeliver ito ng kaniyang privilege speech sa session ng Sangguniang Panlalawigan.

Ayon sa sulat ni Martinez kay PLtCol. Aron Palomo, hepe ng Roxas City PNP, nitong Martes, magdedeliver ng kaniyang privilege speech si Besa para siraang-puri siya at ang kaniyang pamilya.

Inilakip ni Martinez sa kaniyang sulat ang bahagi ng “sec. 5 of the revised Rules of Court” kung saan isinasaad na pwedeng arestuhin ang isang tao kahit walang warrant of arrest.

Sinabi pa ng opisyal sa kaniyang sulat na ang privilege speech ni Besa ay hindi isang privilege communication.

Ang nasabing sulat ay ipinadala bago ang session ng Sangguniang Panlalawigan alas-2:00 ng hapon.

Bago paman ang session, pinahayag ni BM Besa na hindi ito magdedeliver ng privilege speech taliwas sa inaasahan at nanindigan na sa kanila ang katotohanan kaugnay sa isyu ng hindi pa naaaprubahang budget ng probinsiya sa Sangguniang Panlalawigan.

Mababatid na una nang inaakusahan ni Martinez si Besa na binayaran ng kampo ni Gov. Nonoy Contreras.

Continue Reading