Connect with us

Capiz News

Border ng Capiz bukas na uli sa mga karatig probinsiya

Published

on

Binuksan na ngayong araw ang mga borders ng Capiz sa mga karatig probinsiya matapos bawiin ni Governor Nonoy Contreras ang travel at border restrictions batay sa ipinalabas niyang Executive Order 20-C nitong Hulyo 2.

Ito ay kasunod ng isinagawang pagpupulong ng mga gobernador sa Western Visayas sa Iloilo araw ng Lunes.

Napagkasunduan sa naturang pagpupulong na bawiin na ang mga border restrictions sa mga probinsiya ng Capiz, Iloilo at Aklan.

Hihigpitan nalang umano nila ang pagpasok ng mga tao mula sa mga lugar na may mga matataas na kaso ng COVID-19 o mga high risk areas.

Nabatid na ang desisyon ay kasunod ng pagpuna umano ng National Inter-Agency Task Force dahil sa pagsarado ng mga probinsiya sa Western Visayas ng kanilang mga borders.

Inaasahan na maglalabas ng Executive Order si Gov. Contreras kaugnay.

Continue Reading