Capiz News
BRGY. KAGAWAD, TIMBOG SA PAGTUTULAK NG ILIGAL NA DROGA SA PONTEVEDRA, CAPIZ
Natimbog ng kapulisan ang isang barangay kagawad sa pagtutulak ng iligal na droga sa Brgy. Rizal, Pontevedra, Capiz Sabado ng gabi.
Kinilala ang opisyal ng barangay na si Arnel Bermejo Jr. alyas Dodoy, 25-anyos, residente ng nasabing barangay.
Siya ay inaresto ng operatiba sa isang drug buy bust operation matapos makapagbenta ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu sa isang police poseur buyer kapalit ng Php7,500 buy bust money.
Narekober ng operatiba ang buy bust money. Kinumpiska rin ng kapulisan ang kaniyang motorsiklo.
Nasa kostudiya na ngayon ng Pontevedra PNP Station ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ikinasa ang operasyon ng pinagsamang mga tauhan ng Provincial Police Drug Enforcement Unit (PPDEU) led by PMAJ FRANCISCO D PAGUIA, Unit Chief and PLT JOHN MARK F JAMBALOS, Asst. Unit Chief and SDET Pontevedra MPS led by PMAJ SYRIL DC PUNZALAN, COP, both under the supervision of PCOL LAUDEMER N LLANETA, PD, Capiz PPO.