Connect with us

Capiz News

BRGY. TANOD PATAY MATAPOS BARILIN SA DUMALAG, CAPIZ

Published

on

Patay ang isang barangay tanod matapos siyang barilin umaga ng Miyerkoles sa Brgy. Sta. Teresa, Dumalag, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Ricardo Fajutar Jr. y Fullona, 49-anyos, residente ng Sitio Agcamaru sa nasabing barangay.

Kinilala naman ang suspek na si Carl Feñesa, temporaryong nakatira sa Brgy. San Antonio, Tapaz at residente ng Brgy. Sta. Teresa, Dumalag.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Dumalag PNP, nakarinig umano ng putok ng baril ang biktima sa bahay ni Rafael Sanchez rason para respondehan ito ng biktima.

Pagdating sa lugar ay kinompronta di umano niya ang grupo ng suspek at nagkaroon sila ng mainit na pagtatalo hanggang sa sila ay makarating sa palayan.

Bigla nalang pinaputukan ng suspek ang biktima ng makalawang beses gamit ang hindi pa nalalamang kalibre ng baril na tumama sa katawan ng huli.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek. Patuloy itong pinaghahanap ng kapulisan.

Isinugod pa sa Capiz Emmanuel Hospital sa Roxas City ang biktima pero binawian rin ito ng buhay.

Continue Reading