Connect with us

Capiz News

Capiz magkakaroon na ng NBI District Office

Published

on

Magbubukas na ang National Bureau of Investigation ng district office sa probinsiya ng Capiz kasunod ng Administrative Order na nilabas ng kagawaran nitong Setyembre 17.

Ayon sa Administrative Order na nilagdaan ni Eric Distor, Officer-in-Charge, ang NBI Capiz District Office ay may territorial jurisdiction sa buong probinsiya ng Capiz at ito ay sa ilalim ng superbisyon ng Regional Director ng NBI na nakabase sa Iloilo City.

Pamumunuan ito ng Agent-in-Charge na aasistihan ng Executive Officer kasama ang apat na agent o mga special investigator. Maaari ring magtalaga rito ng mga technical at mga administrave personnel.

Ang paglikha ng District Office s probinsiya ay batay sa Republic Act 10867 o NBI Reorganization and Modernization Act.

Inaasahan na malaking tulong ito sa mga taga-Capiz lalo na ngayon na sa marami ang nabibiktima ng scam dito sa probinsiya.

Continue Reading