Connect with us

Capiz News

Capiz may 36 panibagong kaso ng COVID-19, 1 patay

Published

on

province of capiz image

Umakyat na sa 206 ang kompirmadong kaso ng COVID-19 sa probinsiya ng Capiz matapos maitala nitong Sabado, Mayo 1, ang 36 panibagong kaso.

11 sa mga kasong ito ang naitala sa Pontevedra, walo sa Roxas City, anim sa Panitan, tig-lilima sa Sapian at sa President Roxas, at isa sa bayan ng Panay.

Nakapagtala rin ang probinsya ng isang namatay, ito ay isang 84-anyos na lalaki na taga-Roxas City. Ang kabuuang kaso ng mga namatay sa sakit na ito sa Capiz ay 84 na.

Makikita sa datos ng Provincial Health Office na ang Roxas City ang may pinakamaraming aktibong kaso na may 63, sinundan ng Pres. Roxas na may 37, habang 26 naman ang Pontevedra.

Ang bayan ng Dumarao ay wala nang aktibong kaso habang ang mga bayan ng Dao at Panay ay may tig-iisa lang na aktibong kaso.

Samantala, sa parehong araw, naitala rin ang 17 bagong nakarekober sa kaso. Sa ngayon, 1497 na ang recoveries sa probinsiya o 83.77% ng kabuuang bilang.

Sa kabuuan, 1787 na ang kompirmadong kaso ng COVID-19 sa Capiz.