Capiz News
CAPIZ NAKAPAGTALA NG 14 KASO NG OMICRON VARIANT
Nakapagtala ng 14 kaso ng Omicron Variant ng COVID-19 ang probinsiya ng Capiz nitong Enero 26, Miyerkoles, batay ito sa opisyal na pahayag na inilabas ng gobyerno probinsiyal.
Makikita sa datos na ang mga pasyente ay walang travel history sa labas ng Capiz at maituturing na ito ay mga local cases.
Pito sa kaso ang mula sa bayan ng Jamindan, 3 ang sa Roxas City, 2 mula sa bayan ng Mambusao, habang tig-iisa naman mula sa mga bayan ng Pontevedra, Ivisan.
Kapansin-pansin rin na 10 dito ang fully vaccinated, habang ang natitira ay wala pang bakuna kabilang ang isang 1-anyos na batang babae at isang 77-anyos na matandang babae.
Ang lahat ng mga pasyente ay nakarekober na. Ang pinakahuling nakarekober ay Enero 20.
Muling nananawagan ang gobyerno probinsiyal sa publiko na sumunod sa minimum health standards, magpabakuna at magpa-booster shots.