Capiz News
CAPIZ NAKAPAGTALA NG 62 PANIBAGONG KASO NG COVID-19
Nakapagtala ng 62 panibagong kaso ng COVID-19 ang probinsiya ng Capiz nitong Sabado, Mayo 15, batay sa report ng Capiz Provincial Health Office.
Nakapagtala rin ang probinsiya ng dalawang namatay sa sakit habang 27 naman ang panibagong nakarekober.
Sa kasalukuyan, 342 ang aktibong kaso rito, 1705 ang nakarekober na habang 97 naman ang namatay o kabuuang 2144 kaso.
Kung babatayan ang datos ng Capiz PHO, pinakamarami parin sa aktibong kaso ay sa Roxas City na ngayon ay may 140.
Mayroon ding 46 aktibong kaso ang Mambusao, sinundan ng President Roxas na may 35.
Habang ang Cuartero at ang Sapian ay may tig-iisa lamang.
Continue Reading