Capiz News
Capiz nakarekord ng 31 panibagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala ng 31 panibagong kaso ng COVID-19 ang probinsiya ng Capiz nitong Miyerkoles, Abril 28.
Ayon sa report ng Capiz Provincial Health Office, 14 sa mga ito ay mula sa President Roxas, apat mula sa Tapaz, tatlo mula sa Jamindan, 3 sa Sigma, 2 sa Panit-an, 2 mula sa Ivisan, at tig-iisa naman mula sa Roxas City, Sapian at Cuartero.
Nakapagtala rin ng siyam na panibagong nakarekober ang PHO at isang namatay dahil sa COVID-19.
Sa ngayon ay mayroong 171 aktibong kaso ng COVID-19 ang probinsiya, 1448 mga nakarekober, at 79 na namatay.
Sa kabuuan, 1698 na ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa probinsiya.
Continue Reading