Capiz News
CHR umapela sa gobyerno na mapanagot ang mga pumatay kay Cpl. Villasis
Umapela ang Commission on Human Rights (CHR) sa gobyerno na mapanagot sa batas ang mga nasa likod ng brutal na pagpatay sa miyembro ng Philippine Army na si Cpl. Frederick Villasis.
Sinabi pa ni CHR Spokeperson Atty. Jacqueline Ann De Guia sa isang pahayag na magsasagawa sila ng hiwalay na imbestigasyon sa pagpatay sa sundalo upang makamit ang hustiya.
Aniya, ang walang awang pagpatay sa nasabing uniformed personnel ay paglabag sa human rights lalo na sa kasagraduhan ng buhay.
Mababatid na si Villasis ay naibalitang dinukot, tinurtyor at pinagbabaril ng mga armadong grupo sa Brgy. Lahug, Tapaz, Capiz. Sinunog rin ang kaniyang motorsiklo.
Narito ang buong pahayag ng CHR sa pamamagitan ni Atty. De Guia:
The Commission on Human Rights (CHR) strongly condemns the alleged abduction and killing of Army Corporal Frederick Villasis perpetrated by the New People’s Army in Barangay Lahug, Tapaz, Capiz.
According to reports, Villasis was riding with a civilian on a motorcycle on their way to the town hall when around 40 armed men blocked their way. The civilian was left unharmed, but Villasis was reportedly taken, tortured, then shot from behind while his hands were tied. His motorcycle was also said to have been set on fire.
Such senseless violence is an affront to human rights, particularly to the sanctity of human life. We urge the government to apply the force of law in ensuring that the perpetrators are held accountable for these transgressions.
CHR shall also be conducting its own independent probe in aid of serving justice. CHR extends its condolences to the family and friends of Corporal Villasis.