Connect with us

Capiz News

Construction worker patay na nang matagpuan matapos malunod

Published

on

Patay na nang matagpuan ang isang construction worker matapos malunod habang tumatawid sa tubig-baha sa Sitio Langkis, Brgy. Balat-ana, Mambusao, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Robert Mansilla Gualberto, 37-anyos, residente ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat ng Mambusaao PNP, nakitang tumatawid sa tubig baha dakong alas-8:00 ng gabi ng Biyernes. Narining pa umano siya na humingi ng saklolo.

Dakong alas-10:00 na ng umaga ng Sabado nang matagpuan ang nasabing biktima nasa 10 metro ang layo kung saan ito huling nakitang tumatawid.

Continue Reading