Connect with us

Capiz News

Dagdag wifi ilalagay sa mga pampublikong lugar sa Roxas City

Published

on

Magkakabit ng libreng wifi hotspot ang isang pribadong kompaniya sa mga pampublikong lugar sa Roxas City. Ang mga ito ay ang Roxas City Hall, City Plaza at Public Market.

Nitong Martes, Hulyo 7, nagpasa ng resolusyon ang Sangguniang Panglungsod na nagbibigay ng otoridad kay Mayor Ronnie Dadivas para pumasok sa Memorandum of Agreement kaugnay rito.

Ang Eload Incorporated ay isang pribadong kompaniya na magbibigay ng libreng wifi access at batay sa kasunduan, walang babayarang internet bill ang City Government.

Pinasalamatan naman ni Mayor Dadivas ang kompaniya sa oportunidad na ito. Malaking tulong aniya ito para magkaroon ng libre at mabilis na internet access para sa publiko.

Samantala, isa ang Roxas City sa mga magiging “digital cities” sa taong 2025 sa bansa ayon sa Department of Information and Communication Technology (DICT) nitong Hunyo 30.

Malaki umano ang potensiyal ng lungsod ayon sa DICT sa pagkakaroon ng mga local na trabaho sa larangan ng information technology and business process management (IT-BPM).

Continue Reading