Connect with us

Capiz News

DILG pinagpapaliwanag ang SP-Capiz sa hindi pag-apruba sa annual budget ng probinsya

Published

on

Pinagpapaliwanag ngayon ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Sangguniang Panlalawigan ng Capiz dahil sa hindi nito pag-apruba sa annual budget ng gobyerno probinsyal para sa taong ito.

Ito ang iniatas ni Provincial Director John Ace Azarcon sa kanyang memorandum nitong Pebrero 10.

Sa parehong memorandumn, inatasan rin niya ang provincial governor na i-require ang mga lokal na gobyerno na hindi pa nakakasumite o nakapagpasa ng kanilang annual budget sa nakatakdang oras na magbigay rin ng paliwanag sa DILG.

Ang mga LGU na ito ay mga bayan ng Dumalag, Jamindan, Panay, Pilar, at Sapian.

Nabatid na una nang naglabas ng memorandum ang DILG region 6 nitong Pebrero 7 na pinirmahan ni Regional Director Juan Jovian Ingeniero kaugnay sa nasabing isyu.

Kapansin-pansin sa report ng DILG na sa buong rehiyon ang probinsiya ng Capiz ang may pinakamababang compliance sa pagpasa ng annual budget na nasa 67% lamang.

Isinaad ni Azarcon na batay sa Local Government Code of 1991, pinaalalahanan ang mga lokal na gobyerno sa pagsumite at pag-aproba ng kanilang mga budget sa tamang oras.

Continue Reading