Capiz News
DOH binigyan na ng lisensiya na mag-operate ang COVID-19 laboratory ng Roxas City
Ibinalita ni Mayor Ronnie Dadivas na binigyan na ng license to operate ng Department of Health ang COVID-19 laboratory ng Roxas City.
“Buot silingon, nga ang Syudad sang Roxas pwede na makasugod sa pagpatigayon sang aton kaugalingon nga RT-PCR Testing,” pahayag ni Mayor Dadivas.
Mababatid na nagpatayo ng relocatable containerized reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) testing laboratory ang lokal na pamahalaan noong Setyembre.
Ayon sa alkalde posibleng isagawa ang blessing at pagbubukas ng laboratoryo na makikita sa Brgy. Milibili sa Oktobre 20.
“Sa subong nga panahon, ini ang nagapanguna naton nga paglaum agud maamligan ang ikaayong-lawas kag matapna ang paghalit sang CoVid-19 sa pumoluyo sang syudad sang Roxas,” saad pa ng alkalde.
Una nang sinabi ng punong ehikutibo na ang pagkakaroon ng COVID-19 testing laboratory sa lungsod ay magpapabilis ng resulta ng mga swab test.
Magseserbe rin ang nasabing laboratoryo sa mga bayan sa probinsya ng Capiz.