Connect with us

Capiz News

Driver ng motorsiklo patay matapos sumabit ang leeg sa nakalaylay na kable ng telco

Published

on

Patay ang isang lalaki matapos aksidenteng sumabit ang leeg nito sa isang kable ng telco na nakalaylay sa gitna ng kalsada sa Sitio Angkin, Brgy. Poblacion, Sapian, Capiz.

Kinilala ang biktima na si John Paul Torion, 22-anyos, ng Brgy. Maninang sa nasabing bayan.

Nabatid na papunta sanang Brgy. Poblacion sakay ng kaniyang motorsiklo nang maganap ang aksidente. Nabatid na sumabit ang kaniyang leeg sa nakalaylay na kable ng isang telco mula sa nakalihis poste.

Nabatid pa na mabilis ang patakbo ng nasabing driver ng motor nang maganap ang aksidente ayon sa Sapian PNP.

Nagtamo ng sugat sa leeg ang biktima. Dinala pa ito sa ospital pero dineklara itong dead on arrival ng attending doctor.

Continue Reading