Connect with us

Capiz News

Dumalag MDRRMO nadali ng mga kabataan sa kanilang prank vlog

Published

on

Nadali ng ilang kabataan sa Dumalag, Capiz ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction ang Management Office (MDRRMO) sa kanilang prank vlog.

Nabatid na nakatanggap ng tawag ang MDRRMO mula sa isang indibidwal na nagsabing may isang Person with Disability (PWD) ang natumba sa harap ng isang hair salon at nangangailangan ng tulong medikal.
 
Agad namang rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng MDRRMO pero laking pagkadismaya ng mga ito nang malamang prank lang ng grupo ng kabataan ang nangyari.

Kaugnay rito, pinatawag sa tanggapan ng Dumalag PNP ang mga bata. Nakipag-ayos naman ang mga tauhan ang MDRRMO matapos humingi ng tawad ang mga kabataan at nangakong hindi na uulit.

Kaugnay rito, nananawagan ngayon ang Dumalag MDRRMO sa mga residente na huwag gawing biro o gawing content ng kanilang blog ang mga prank tungkol sa medical cases.

Continue Reading