Connect with us

Capiz News

Fetus natagpuan sa CR ng library sa isang unibersidad sa Roxas City, Capiz

Published

on

Isang fetus ang natagpuan sa comfort room ng library ng Filamer Christian University (FCU) sa Roxas City, Capiz.

Ayon sa report, dakong alas-5 ng hapon nitong Linggo, naglilinis ng CR ang janitor na si Benny Floro bilang bahagi ng kanilang general cleaning sa paghahanda sa pagbubukas ng klase nang mapansin nito ang mapulang tubig sa toilet bowl.

Sinubukan nitong iflush ito pero lalo lamang naging mapula ang tubig. Nang buksan niya ang tanke ng flusher bumulaga sa kaniya ang isang bilog na tila fetus.

Agad itong nagreport sa guard na siya namang nagpaalam sa chief security officer. Habang ang chief security ay papunta sa lugar, ininporm naman ng gwardiya ang library staff na nakatuka sa general cleaning.

Ipinatawag ng library staff na si Thea Delos Santos na si Jorgen Gregorio, isang guro sa FCU, na ipaalam ito sa Health Unit na agad namang nagpadala ng nurse at kinompirma na ang natagpuan ay isang 3 months old na fetus.

Iniimbestigahan pa ng paaralan at ng kapulisan ang nasabing insidente.

Continue Reading