Connect with us

Capiz News

GAMOT SA MILD TO MODERATE COVID-19 CASES, DUMATING SA ROXAS CITY

Published

on

Dumating na sa Roxas City ang Molnupiravir na gamot sa mild to moderate COVID-19 cases. Ito ang malugod na ibinalita ni Mayor Ronnie Dadivas.

Ayon sa alkalde, handa umano ang lungsod sa posibleng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa buwan ng Enero dahil sa mga pagtitipon ngayong Kapaskuhan at pag-uwian ng ilang mga kababayan mula abroad.

Ipinagmalaki ng alkalde na ang Roxas City ang pinakaunang pamahalaang lokal sa labas ng NCR ang binigyan ng FDA-CSP Approval para makakuha ng gamot na ito.

Ayon kay Dadivas, libre umano itong ibibigay sa mga magpopositibo at nakaadmit sa TTMF sa Hortus Botanicus.

Continue Reading