Connect with us

Capiz News

GOOD NEWS! CAPIZ, COVID-19 FREE NA

Published

on

Malugod na ibinalita ngayon ng gobyerno probinsyal ng Capiz na COVID-19 Free na ang buong lalawigan.

Kasunod ito ng report na nagnegatibo sa resulta ang ikaapat na confirmed case ng COVID-19 ng Capiz batay sa opisyal na resulta na inilabas ng Western Visayas Medical Center (WVMC), Department of Pathology, Sub-national Laboratory nito pang Abril 23.

Kaugnay rito, sinabi ng Provincial Health Office sa kanilang press release na nakalabas na ang nasabing pasyente sa The Medical City Iloilo, Inc. na nasa “improved and generally well condition.”

Sa kabilang banda, bilang pagtugon sa tamang proseso, sasailalim pa sa 14-day home quarantine ang pasyente. Pagkatapos nito ay isang panibagong swab test ang isasagawa sa WVMC.

Nabatid na ang Capiz ay mayroon limang kaso ng COVID-19 kung saan dalawa rito ang binawian ng buhay at tatlo naman ang naibalitang gumaling na kabilang itong huli.

Bagaman COVID-19 Free na ang probinsiya, mahigpit parin ang bilin ni Governor Nonoy Contreras na manatili sa kani-kanilang mga tahanan sapagkat nasa ilalim parin ng Enhanced Community Quarantine ang buong probinsiya.

Sa Lunes, Abril 27 ay nakatakdang magpulong ang Inter-Agency Task Force ng Capiz para pag-usapan ang posibleng pagsasailalim ng probinsiya sa General Community Quarantine o “New Normal”.