Capiz News
Gov. Contreras ipagpapatuloy ang pamamahala sa Capiz kahit naka-quarantine
Ipagpapatuloy parin ni Gov. Nonoy Contreras ang “administration” at “governance” sa Capiz sa kabila na naka-strict home quarantine kasunod ng resulta na positibo siya sa COVID-19.
Nitong Lunes inanunsiyo ng gobernador na base sa resulta ng Reverse transcription polymerase chain reaction na positibo ito sa virus pero asymptomatic ang kaniyang lagay.
Iniatas na ni Contreras sa Provincial Health Office at sa Provincial COVID-19 Task Force na i-isolate o i-quarantine ang mga naka-close contact niya pati na ang kaniyang mga empleyado.
Sinabi ng gobernador na siya ay mahigpit na nakikipagkoordinasyon sa doktor at handa siyang sumailalim sa mga clinical protocols at medical monitoring.
Ang ilang administrative function ay idi-deligate niya sa kaniyang Provincial Administrator at sa mga office head ng probinsiya.
Nananawagan naman ang gobernador sa publiko na sumunod sa mga panuntunan ng gobyerno para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Humingi rin siya ng tulong na ipagdasal na matigil na itong pandemya.