Connect with us

Capiz News

Health worker na nagpositibo sa COVID-19 sa Capiz, walang travel at contact history

Published

on

Walang travel history sa labas ng Capiz at walang matukoy na contact sa COVID-19 confirmed case ang 33-anyos na health worker ng Provincial Government Office na nagpositibo sa virus.

Batay ito sa opisyal na pahayag na inilabas ni Governor Nonoy Contreras gabi ng Miyerkoles kasunod ng ulat ng Department of Health region 6 na nagpositibo sa COVID 19 ang health worker.

Ayon sa gobernador, nakaranas umano ng pag-ubo ang nasabing pasyente noong Mayo 14 dahilan para isailalim sa quarantine at noong Mayo 18 ay kinuhanan ng specimen para i-test sa Western Visayas Medical Center sa Iloilo.

Hindi makitaan ng sintomas o palatandaan ng virus o asymptomatic ang lagay ng lalaking pasyente na kasalukuyang naka- quarantine ngayon sa Roxas Memorial Provincial Hospital.

Nagsasagawa ngayon ng contact tracing ang kinauukulan sa mga nakasalamuha ng pasyente na taga-Brgy. Milibili, Roxas City.

Mababatid na mahigit isang buwan rin na walang naiulat na kaso ng COVID-19 sa buong probinsiya bago itong pinakahuling kaso.

Continue Reading