Connect with us

Capiz News

Health worker sa Capiz, nagpositibo sa COVID-19

Published

on

Naitala ng Department of Health Region (DOH) 6 ang panibagong kaso ng COVID-19 sa Roxas City kahapon batay sa kanilang COVID-19 Case Bulletin No.55.

Batay sa DOH 6 ang bagong confirmed case ay isang 32-anyos na lalaki na kasalukuyang naka-home quarantined at isang health worker at empleyado ng Capiz Provincial Government.

“Ang Roxas City Health Office insigida na nga nagpatigayon sang contact tracing sa mga close contacts sang sini nga indibidwal nga may koordinasyon sa Provincial Health Office,” pahayag ni Mayor Ronnie Dadivas ng Roxas City

Mababatid na nasa isang buwan rin ang nakalipas na walang naiulat na kaso ng COVID-19 sa lungsod maging sa buong Capiz.

Abril 16 pa matapos makarekober ang pinakahuling COVID-19 patient ng lalawigan.

“Sa sini nga hitabo mas guinapaandam ko sa inyo nga maghangay. Magsuksok sang face mask kag i obserbar ang physical distancing. Indi magkumpyansa,” paalala ng alkalde.

Sa kabuuan, anim na kaso na ng virus ang naitala sa Capiz, dalawa rito ang namatay at tatlo naman ang nakarekober.

Ang lungsod at buong Capiz ay nasa ilalim ngayon ng General Community Quarantine mula pa noong Mayo 1.