Capiz News
Ina, 6 anyos na anak patay matapos tamaan ng kidlat sa Mambusao, Capiz


Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang mag-ina matapos tamaan ng kidlat sa Sitio Agcagay, Brgy. Bunga, Mambusao hating gabi ng Linggo.
Kinilala ang mga biktima na sina Roshel Ledesma, 35-anyos at anim na taong gulang nitong anak na lalaki.
Nabatid na dakong alas-11 ng gabi nang bumuhos ang matinding ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat.
Salaysay ni Retchie Ledesma, isa umanong malakas na kulog ang narinig nito na sinundan ng pagkaputol ng suplay ng kanilang kuryente matapos pumutok ang outlet nito.
Nang gumamit ito ng flashlight nakita nalang nito ang kaniyang ina na nakahandusay habang kalong ang 6-anyos nitong kapatid.
Dinala pa nila ito sa ospital pero dineklara ring dead on arrival ng attending physician.
Continue Reading