Connect with us

Capiz News

Indigent families buwanang makakatanggap ng bigas mula sa Roxas City gov’t

Published

on

Buwan-buwan nang makakatanggap ng tig-10 kilo na bigas ang mga indigent families sa buong Roxas City.

Kasabay ng paggunita ng President Manuel A. Roxas Day nitong Huwebes ay inilunsad ang “Bugas para sa Roxas” na bahagi ng food security program ng gobyerno lokal ng Roxas City.

Ayon kay Mayor Ronnie Dadivas, magiging regular na na programa ng city kung saan makakatanggap ng kabuuang 120 kilo sa buong taon ang bawat indigent family sa lungsod.

Sa isang press conference kasabay ng paglulunsad ng nasabing programa, pinasiguro ni Dadivas na hindi mahahaluan ng politika ang pamamahagi ng bigas sa mga kapos-palad na mga pamilya sa lungsod.

Target ng gobyerno lokal na makabenepisyo sa programang ito ang nasa 30,000 hanggang 36,000 na pamilya.

Continue Reading