Connect with us

Capiz News

Isa pang miyembro ng Panay PNP nagpositibo sa COVID-19

Published

on

Nagpositibo sa COVID-19 ang isang 50-anyos na pulis na miyembro ng Panay PNP matapos magkaroon ng close contact sa isang pulis na una nang nagpositibo.

Ayon kay PLt. Francisco Umiten Jr., hepe ng Panay PNP, unang isinailalim sa quarantine ang 50-anyos na pulis kasama ang iba pa matapos magkaroon ng direct contact sa unang nagpositibo sa naturang virus.

Matapos aniya ang nasa tatlong araw ay nakaranas ng pagsama ng pakiramdam ang naturang pulis dahilan para isailalim ito sa anti-gen test at doon nakitaan ito ng sintomas ng COVID-19.

Dahil rito ay isinailalim sa swab test ang pulis at lumabas ang resulta na ito ay positibo sa nasabing virus.

Nasa Roxas Memorial Provincial Hospital ngayon ang 50-anyos na pulis para obserbahan habang nasa recovery stage naman ang kasama nito na unang nagpositibo sa nasabing sakit.

Pansamantalang nakatalaga sa Panay ang ilang mga tauhan ng 1st Capiz Provincial Mobile Force Company.

Continue Reading