Capiz News
KAGAWAD AT APAT PA ARESTADO SA PAGSUSUGAL SA ISANG BUROL SA BRGY. DUMULOG, ROXAS CITY
Inaresto ng kapulisan ang isang barangay kagawad at apat pang kalalakihan matapos maaktuhan na nagsusugal sa isang burol sa Brgy. Dumulog, Roxas City.
Kinilala ang opisyal ng barangay na si Joe Alado, 48-anyos, residente ng nabanggit na barangay.
Kinilala ang iba pang mga suspek na sina Marcelino Borres, 50, isang mangingisda, residente ng Brgy. Baybay, Roxas City; Agustin Brillo, 50, driver, residente ng Brgy. Bunga, Panay; Edwin Callinao, 54, residente ng Brgy. Banica, Roxas City; at Victor Pagayunan, 36, residente ng Brgy. Dumulog.
Ayon sa report ng kapulisan dakong alas-11:40 ng umaga nitong Miyerkoles nang maaktuhan nila ang mga suspek na naglalaro ng Cara y Cruz sa burol ni certain Sisoy Fernandez.
Narekober ng kapulisan ang nasa Php10,000 na taya at ilang mga kagamitan sa paglalaro.
Ikinulong pansamantala ang mga suspek sa Roxas City PNP Station. Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Presidential Decree.
Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsamang mga tauhan ng Provincial Intelligence Unit sa pangunguna ni PMaj. Francisco Paguia at PLt. Merry Chris Dela Cruz, at ng Roxas Csity PNP sa pamumuno ni PLtCol. Aron Palomo, hepe.