Capiz News
Kakulangan sa street lights at mga CCTV sa Roxas City pinuna ng konsehal
Pinuna ni Konsehal Midelo Ocampo ang kakulangan sa mga street lights at CCTV sa ilang bahagi ng Roxas City.
Sa kaniyang privilege speech sa Sangguniang Panglungsod nitong Martes, sinabi ng opisyal na may mga lugar parin sa lungsod ang madilim.
Bagaman hindi nabanggit sa kaniyang diskurso ang mga specific na lugar, iginiit ng konsehal na kailangan na aniyang “i-reactivate, i-rehab, kag i-repair” ang mga nasabing street lights lalo na ngayong kapaskuhan.
Ayon kay Medilo, malaking tulong aniya ito sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa lungsod. Mapapabilis rin aniya ang paglutas sa mga insidente kapag may mga karagdagang CCTV.
Sang-ayon naman rito si Vice Mayor Edwin Sicad, regular presiding officer ng Sanggunian, sa pahayag ni Midelo. Maganda aniya itong obserbasyon.
Nang tanungin ni Konsehal JP Arcenas si Medilo kung ano ang naging aksiyon nito, sinabi ng huli na ipinaaabot lang muna nito sa konseho ang obserbasyon baka sakaling makatulong ang iba pang mga konsehal rito.
Hindi pa natalakay sa konseho kung ano ang posibleng magiging tugon sa suliraning ito.