Connect with us

Capiz News

Kapitan ng Linao, Panay, Capiz pinasususpende ng Ombudsman re: anomaliya sa SAP

Published

on

Isa ang Punong Barangay ng Linao, Panay, Capiz sa 89 mga kapitan sa buong bansa na binabaan ng suspension order ng Office of the Ombudsman kaugnay ng anomaliya sa distribusyon sa Social Amelioration Program (SAP).

Si Linao Punong Barangay Tito Dipon Barnuevo ay sususpendihin ng anim na buwan sa serbisyo.

Sa Western Visayas kasama rin ni Barnuevo ang anim pa na mga kapitan na sangkot din umano sa maanomalyang distribusyon ng SAP ng Department of Social Welfare and Development .

Ang iba pang binababaan ng suspension order sa rehiyon ay sina Tezardo Tejada (Brgy. To-oy Himamaylan City, Negros Occidental); Romeo Sultan (Brgy. Salamanca Toboso, Negros Occidental); Ruel Sabequil (Brgy. Cabungahan, Calatrava); Evelyn Ta-asan (Barangay 11, Bacolod City); Noli Villarosa (Brgy. Tangub, Bacolod); at Kim Piramo (Barangay 19, Bacolod).

Inatasan na ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang mga alkalde na ipatupad ang suspensiyon oras na matanggap nila ang order mula sa Ombudsman.

Continue Reading