Connect with us

Capiz News

Kaso ng COVID-19 sa Capiz umabot na sa 502

Published

on

 

Umabot na sa 502 ang bagong kaso ng COVID-19 sa Capiz matapos makapaglista ang Provincial Health Office (PHO) ng 15 panibagong kaso.

 

Siyam sa mga bagong kaso ay mula sa Roxas City, tatlo ang mula sa bayan ng Pontevedra, dalawa ang mula sa Sapian habang isa naman ang mula sa Dao.

 

Batay sa pinakahuling ulat ng PHO nitong Oktobre 1, 154 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya, 320 ang nakarekober na, habang 28 ang nasawi.

 

Sa buong Capiz, ang Roxas ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 na may 276 sa kabuuan – 100 rito ang aktibong kaso, 154 ang nakarekober na, habang 22 naman ang nasawi.

 

Makikita rin sa datos ng PHO na karamihan sa mga aktibong kaso ay asymptomatic.

Continue Reading