Connect with us

Capiz News

Klase sa buong Capiz pinasususpinde ng gobernador; price freeze ipinatutupad

Published

on

Bilang seguridad sa posibleng pagkalat ng kinatatakutang Corona Virus o COVID 2019, pinasususpinde ni Gov. Nonoy Contreras ang klase sa lahat ng antas sa buong probinsiya kapwa pampubliko at pribado.

Batay ito sa inilabas niyang Executive Order no. 008 ngayong araw ng Biyernes, Marso 13.

Nakasaad rin sa naturang atas ang direktiba sa mga magulang na panatilihin sa bahay ang kanilang mga anak at pinaiiwas sa mga pampublikong lugar para sa kanilang kalusugan.

Hinihimok rin ang publiko na huwag dumalo sa mga malaking pagtitipon.

Sa kaugnay na balita, naglabas rin ang gobernador ng Executive Order 009 na nag-aatas ng tigil-presyo sa probinsiya sa mga pangunahing bilihin, mga gamot at mga medical supplies.

Samantala matatandaan na una nang ibinalita na kinasela ng gobyerno probinsyal ang taunang selebrasyon ng “Capiztahan” maliban lamang sa ilang mga aktibidad.

Sa ngayon, nanatiling negatibo sa COVID 2019 ang buong probinsiya batay sa ulat ng Provincial Health Office.

Continue Reading