Connect with us

Capiz News

Konduktor inireklamo ng babaeng pasahero matapos makatanggap ng di kaaya-ayang mga text

Published

on

Isang konduktor ng bus ang inireklamo sa Roxas City PNP Station ng isang babaeng pasahero matapos makatanggap ng hindi kaaya-ayang text mula rito.

“Kaulomol ka kag nami kagton, nami papulahon ang imo nga panit nga maputi.” Isa lamang ito sa mga text na natanggap ng 25-anyos na babae, may-asawa, residente ng Roxas City.

Ayon sa babae, nitong Setyembre 28, sumakay ito sa pampasaherong bus sa Pueblo terminal nang siya ay lapitan ng suspek at binigyan ng passenger’s manifest form na ginagamit para sa contact tracing.

Inilagay naman ng biktima ang kaniyang mga impormasyon kasama ang kaniyang contact number.

Nagulat nalang ito ng kinagabihan ay nagtext umano sa kaniya ang konduktor at nais makipagtextmate pero hindi ito pinansin ng babae.

Hanggang sa hindi nagsimula nang makatanggap ng hindi magagandang mensahe ang biktima mula sa nasabing konduktor. Hindi pa makontento ay tumatawag pa umano ito sa kaniya.

Hanggang sa iblock ng biktima ang numero ng konduktor sa kaniyang cellphone pero tumatawag parin umano ang huli gamit ang ibang numero.

Minabuti ng babae na iparekord sa kapulisan ang insidente.

Continue Reading