Capiz News
Konsehal nanawagan sa alkalde na iprayoridad ang paglutas sa mga pagbaha a Roxas City
Nanawagan si Konsehal Midel Ocampo kay Mayor Ronnie Dadivas na iproyoridad ang solusyon sa mga pagbaha sa ilang lugar dito sa syudad ng Roxas.
Sa kaniyang privilege speech sa regular session ng Sangguniang Panglungsod nitong Martes muling pinuna ni Konsehal Midelo ang mga pagbaha na naranasan sa ilang lugar dito sa lungsod.
Aniya nitong mga nakalipas na araw, nasaksihan niya ang ilang mga pagbaha sa Brgy. Lawaan, Brgy. Tiza, sa New Road, at maging sa Lipunan.
Ayon pa sa lokal na mambabatas, ilang beses na nitong ipinaabot sa konseho ang problemang ito at nalaanan na nga umano ng pondo pero hanggang ngayon ay hindi pa naaaksyunan.
Kaugnay rito, makikipag-ugnayan umano personal ang konsehal sa City Engineering Office para alamin kung ano ang plano ng syudad para ma-adres ang suliraning ito.
Nanawagan rin siya sa akalde na iprayoridad ang problemang ito.
Aminado si Vice Mayor Erwin Sicad na ang pagbaha ay isa sa mga pangunahin at matagal nang problema ng lungsod. Ikinabahala rin niya na maaaring maging sanhi ito ng dengue.
Sa kabilang banda, nagulat umano si Konsehal Moring Gonzaga sa mataas na baha sa TATC public market kamakailan. Nababahala siya sa mga sakit na pwedeng idulot nito sa tao kabilang na ang leptospirosis.