Connect with us

Capiz News

Konsehal ng Roxas City pinapasugpo ang mga investment scheme sa lungsod

Published

on

Nais ipasugpo ng isang konsehal ng Roxas City ang laganap parin na money investment scheme dito sa lungsod.

Sa kaniyang diskurso prebelihiyo sa session ng Sangguniang Panglungsod, sinabi ni Konsehal Moring Gonzaga, mayroong nag-ooperate ngayon na 28-day investment scheme.

Iginiit ng konsehal na dapat aniyang masugpo ang operasyon nito para maiwasan ang posibleng pag-scam sa mga tao. Ilan sa mga nabanggit niya ay ang RGS, 25-days, at ang double your money ni Don Chiyuto.

Sinabi niya na maraming mga residente na ang nabiktima ng mga scheme na ito dito sa syudad matapos hindi na naibalik ang kanilang mga ininvest na pera.

Tanong nito sa konseho kung ano ang pwedeng aksiyon ng gobyerno lokal para masugpo ang ganitong operasyon sa lungsod. Dapat rin aniyang kumilos ang kapulisan para sawatain ito.

Nais niyang ipatawag ang hepe ng Roxas City PNP para pag-usapan kung ano ang pwedeng maging aksiyon nito sa mga kriminalidad at mga scams na nagaganap sa syudad.

 

Continue Reading