Connect with us

Capiz News

Koreano na wanted sa Roxas City sa kasong illegal recruitment, sinerbehan ng warrant sa Zambales

Published

on

Sinerbehan ng warrant ang isang Koreano sa probinsiya ng Zambales na wanted sa Roxas City, Capiz dahil sa dalawang kaso ng Syndicated and Large Scale Illegal Recruitment.

Kinilala ang akusado na si Kim Tae Hyeong, 36-anyos, pansamantalang nakatira sa Brgy. San Agustin, Castillejos, Zambales.

Nasa-top 20 sa listahan ng mga most wanted person ng Capiz Provincial Police Office ang naturang akusado.

Ang mga warant of arrest sa dalawang kaso ay sinerbe ng ilang tauhan ng Roxas City PNP kasama ang mga tauhan ng Castillejos PNP sa Bureau of Jail Management and Penology sa Olongapo City araw ng Biyernes.

Ang mga warrant ay ibinaba ng Regional Trial Court sa Roxas City Oktobre at Nobyembre nitong nagdaang taon.

Walang itinakdang piyansa ang korte sa parehong kaso.

Nabatid na una nang naaresto ang Koreano Hunyo ng nakaraang taon sa Castillejos, Zambales dahil sa parehong kaso.

Continue Reading