Capiz News
LALAKI ARESTADO MATAPOS MAGPAPUTOK NG BARIL


Arestado ang isang lalaki matapos mahuling nagpaputok ng baril sa Digol St., Brgy. San Agustin, Iloilo City bisperas ng bagong taon.
Kinilala ang suspek na si Marlon Dela Cuesta y Penes, 32-anyos, ng Brgy. Tuburan, Maayon, Capiz pero temporaryong nakatira sa Benito Co Apartment Digol St., Brgy. San Agustin, Iloilo City.
Naaktuhan ng pulis na rumesponde sa lugar ang suspek na nagpaputok ng kaniyang baril kasunod ng isang reklamo.
Nahuli sa akto ni PCpl. Kenny Roger Solatorio ang suspek na nagpaputok ng baril at isusukbit na sana sa kaniyang baywang.
Narekober sa lugar ang pitong basiyo habang nakumpiska naman ng kapulisan ang isang Colt Caliber .45 1911 pistol, isa ka magazine at pitong basiyo.
Ikinulong sa Police Station 1 ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 at Alarm and Scandal.