Capiz News
LALAKI ARESTADO SA KASONG CHILD ABUSE SA PONTEVEDRA, CAPIZ
Arestado ang isang lalaki na wanted sa Brgy. Tabuc, Pontevedra, Capiz sa kasong paglabag sa Anti-Child Abuse Law.
Kinilala ang akusado na si Vic Tamon, 39-anyos, laborer, residente ng Brgy. Binuntucan sa nasabing bayan.
Naaresto ang akusado nitong tanghali ng Linggo sa bisa ng warrant of arrest.
Ikinasa ang operasyon ng pinagsamang mga tauhan ng Pontevedra PNP sa pamumuno ni PMaj. Syril Punzalan, hepe, at Provincial Intelligence Unit sa pamumuno ni PMaj. Francisco Paguia, hepe.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act. (Anti-Child Abuse Law) (5(B) of RA 7610) Lascivious Conduct) ang suspek.
Ang warrant ay inisyu at pinirmahan ni Judge Jeffrey Almalbis, Regional Trial Court, RTC Branch 14, Roxas City nitong Pebrero 8. Php200,000 ang itinakdang pyansa ng korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado.
Nakakulong ngayon ang lalaki sa Pontevedra PNP Station para sa kaukulang disposisyon.