Capiz News
LALAKI NA WANTED SA KASONG RAPE AT CHILD ABUSE SA PONTEVEDRA, CAPIZ NAARESTO SA ILOILO
Arestado ang isang lalaki na wanted sa Pontevedra, Capiz sa mga kasong Rape at Anti-Child Abuse Law sa Sitio Coop, Brgy Aranjuez, Balasan, Iloilo nitong Martes ng umaga.
Kinilala ang akusado na si Larry Santo Domingo Mata, 51-anyos, may live-in partner, isang karpentero at residente ng nasabing lugar.
Siya ay inaresto ng pinagsamang mga tauhan ng Pontevedra PNP sa pamumuno ni PMaj. Syril Punzalan, Provincial Intelligence Unit sa pamumuno ni PMaj. Francisco Paguia at ng Balasan PNP sa pamumuno ni PMaj. Samuel Vipinosa.
Inaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Rape kung saan walang pyansang itinakda at Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation Act. (Anti-Child Abuse Law) kung saan Php200,000 ang inirekomenda ng korte ng piyansa.
Ang mga warrant of arrest ay inilabas at nilagdaan ni Faustino Valenzuela ROxas, Jr, Acting Presiding Judge, Br 14 RTC 6, Roxas City nitong Disyembre 2021.