Connect with us

Capiz News

Lalaki nagbigti-patay sa Dumalag; problema sa pag-ibig posibleng dahilan

Published

on

Patay ang isang lalaki sa Brgy. Poblacion Ilawod sa Dumalag, Capiz matapos itong magbigti sa loob ng kanilang bahay.

Ayon sa report ng Dumalag PNP, naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi noong Sabado. Una umanong natagpuan na nakabitay na ang biktima sa kanilang kusina ng kaniyang kapatid.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, posibleng bigo sa pag-ibig ang nasabing biktima dahilan para wakasan nito ang sariling buhay.

May nakita kasi ang kapulisan na mensahe sa kaniyang cellphone kung saan sinabi nito ang planong magpakamatay habang kausap ang kaniyang kasintahan.

Naniniwala ang pamilya na walang foul play sa insidente.

Continue Reading