Connect with us

Capiz News

Lalaki natagpuang patay sa gilid ng kalsada sa Panay, Capiz

Published

on

Isang lalaki ang natagpuang patay sa gilid ng kalsada sa Brgy. Bago Chiquito, Panay, Capiz nitong umaga ng Huwebes.

Batay sa report ng Panay PNP, kinilala ang lalaki ng kaniyang pamilya na si Vicente Aristoque, 73-anyos, residente ng Brgy. Tinundan, President Roxas dito sa probinsiya.

Ayon sa pamangkin nito na si Lorna Algame nakakaranas umano ng hypertension ang biktima at mag-isa lang na nakatira sa kanilang bahay.

Madalas rin aniya na gumala ang nasabing biktima.

Hindi na ipina-post mortem examination ng pamilya ang biktima sa paniniwalang walang foul play sa pagkamatay nito.

Lumabas sa death certificate na nilagdaan ni Dr. Oliver Andrada, Municipal Health Officer ng Panay, na ang ikinamatay ng biktima ay myocardial infarction o atake sa puso.

Continue Reading