Capiz News
Lalaki natagpuang patay sa ilalim ng puno ng niyog sa President Roxas, Capiz


Isang lalaki ang natagpuang patay sa ilalim ng puno ng niyog sa Brgy. Badiangon, President Roxas, Capiz.
Kinilala ang biktima na si Rosendo Bance, 48-anyos, walang asawa, residente ng nasabing barangay.
Ayon sa President Roxas PNP, nabatid na dakong alas-5:00 ng umaga, umalis umano ng bahay ang lalaki para maghanap ng gulay at niyog para makain pero hindi na ito nakabalik hanggang maghapon.
Natagpuan nalang ito ng kaniyang pamangkin na wala nang buhay. Pinaniniwalaang umakyat pa ito ng niyog at posibleng nahulog.
Nabatid na mayroong epilepsy ang nasabing biktima.
Patuloy ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente.
Continue Reading