Connect with us

Capiz News

Lalaki patay matapos tagain ng sariling kapatid sa President Roxas, Capiz

Published

on

Patay ang isang 33-anyos na lalaki matapos tagain ng sariling kapatid nito sa Purok 1, Brgy. Manoling, President Roxas, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Arden Placer habang ang suspek ay kinilala naman na si Hardy Placer, 41, mga residente ng nasabing lugar.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, sumugod ang biktima nitong gabi ng Sabaado sa tindahan ng anak ng suspek na lasing at nagtangka itong sisirain ang tindahan.

Hinamon rin umano ng biktima ang suspek na lumabas ng bahay at nagsabing tatapusin nito ang buhay ng kaniyang kuya.

Nabatid na hinampas ng kahoy ng biktima ang suspek sa kaniyang ulo at tinangka pang batuhin pero naunahan ito ng suspek sa pamamagitan ng pagtaga.

Nagtamo ng malubhang sugat sa leeg, ulo at iba pang bahagi ng katawan ang biktima dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Kulong naman ang suspek sa President Roxas PNP Station para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading