Connect with us

Capiz News

Lalaki sinakal at binantaan ng body guard umano ng Mayor ng Maayon, Capiz

Published

on

Nagreklamo sa kapulisan ang isang 18-anyos na lalaki matapos siyang bantaan at sakalin ng body guard umano ng mayor ng Maayon, Capiz habang nasa loob ng isang bar.

Batay sa salaysay ng nagrereklamo, naganap ang insidente madaling araw ng Sabado habang sila ay nasa Soul Super Club sa Grandville, Barangay Inzo Arnaldo Village, Roxas City.

Batay sa panayam ng Radyo Todo Capiz sa lalaki na taga-Poblacion Swa, President Roxas, pumunta sila sa naturang bar para magdiwang kaniyang ika-18 kaarawan kasama ang mga barkada.

Kalaunan, matapos sumayaw bumalik siya at  ang mga kasama sa mesa pero nililigpit na ng waitress ang mga bote ng inumin kung saan napansin umano niya na nakaupo na roon ang aniya ay Mayor ng Maayon.

Umano rin umano siya sa mesa na iyon dahil sa kanila daw yong pwesto. Maya-maya pa ay lumapit ang body guard umano ng Mayor sa kaniya at binantaan siya.

Umalis siya pero bumalik rin matapos sabihan ng kaibigan na Mayor ang nakaupo sa kanilang pwesto at humingi ito ng pasensya.

Matapos sabihan na kaniyang birthday ay nagbigay umao ng Php500 ang Mayor.

Noong pasara na ang bar, tinawag umano siya ng mga body guard ng mayor para ipadelete ang kuhang mga larawan niya kung saan makikita ang aniya ay alkalde at mga body guard nito sa loob ng bar.

Dito na siya sinakal at binantaan habang nakatitig lang umano ang Mayor.

Minabuti nalang niya na ipa-blotter ang insidente sa Roxas City PNP para sa kaukulang disposisyon.

Sinusubukan pa namin na kunin ang pahayag ng alkalde ng Maayon.

Continue Reading