Connect with us

Capiz News

Lalaking may kapansanan pinakasalan ang partner na may breast cancer sa ospital

Published

on

Kahanga-hanga ang pagmamahal na ipinamalas ni Eddie Sarad, 53-anyos, na sa kabila ng kapansanan ay pinakasalan niya ang matagal nang kinakasama sa kabila na bilang na ang mga araw nito.

Ang kasal nina Eddie at Gloria, 55, ay pinangasiwaan ni Rev. Fr.  Milwaulk Anthony Navarrosa na siya ring tumulong sa pag-asikaso ng kanilang mga papeles.

Nabatid na may taning na ang buhay ni Gloria na nakaratay ngayon sa Roxas Memorial Provincial Hospital. Ilang beses na itong na-confine sa ospital simula nang tumubo ang bukol sa kanyang dibdib noong 2011.

14 taon nang nagsasama ang dalawa pero hindi nabiyaan ng anak. Nagkakilala ang mag-asawa sa Maynila at nagdesisyon umuwi ng Capiz taong 2006.

Masakit man para kay Eddie na makita ang kalagayan ng asawa. Masaya naman siyang ipakita ang tunay na pagmamahal nito “Till death do us part.”

Continue Reading