Connect with us

Capiz News

LALAKING NAGLALAKAD SA KALSADA INARESTO NG IVISAN PNP DAHIL SA KASONG PAGLABAG SA RA 7610

Published

on

Inaresto ng Ivisan PNP ang isang 26-anyos na lalaki na naglalakad sa kalsada dahil may standing warrant ito sa kasong paglabag sa Republic Act.

Kinilala ang akusado na si Renato Aparri Facundo alyas Thoto Gamay, residente ng Brgy. Poblacion Norte, Ivisan, Capiz.

Siya ay inaresto ng Ivisan PNP sa pumumuno ni CPT GREGG ANTHONY V SALBANG, Chief of Police, Sabado ng hapon matapos maispatan na naglalakad sa nabanggit na barangay.

Ang akusado ay nahaharap sa kasong Violation of Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act. (Anti-Child Abuse Law) Sec 10(A) of RA 7610 na nilagdaan ni Acting Presiding Judge Faustino Valenzuela Roxas, Jr., 6th Judicial Region, RTC Branch 14, Roxas City, Capiz dated November 11.

Php80,000 ang itinakdang pyansa ng korte para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Ikinulong pansamantala ang suspek sa Ivisan PNP Station at nakatakdang dalhin sa kaukulang korte.

Continue Reading