Connect with us

Capiz News

Lalaking nagpost ng “nami ka patyon” kontra gobernador ng Capiz, hinuli ng kapulisan

Published

on

Hinuli ng kapulisan ang isang 19-anyos na lalaki matapos magpost na “nami ka patyon” kontra kay Gobernor Nonoy Contreras sa Facebook.

Kinilala ang suspek na si Arvinjay Lepardo,19-anyos, residente ng Brgy. Yabton, Ivisan.

Bahagi ng post na ipinost niya sa Roxas City Market Place FB, “Himua nalang maton nga bilog nga tuig. L*nti ka, pakialamero ka. Pano sini kapangita ang tawo damo ingit sa imo. Padugang pa sa 30 tapos wala pa 30 dugangan naman. L*nti ka, buluysit ka Contreras, nami ka patyon.”

Tinutukoy niya rito ang panukala ni Gobernor Contreras na extension ng general community quarantine sa Capiz.

Umani ito ng maraming negatibong komento hanggang sa makarating sa kaalaman ni Police Provincial Director Col. Julio Gustilo Jr. Agad silang umaksyon at nahuli ang binata.

Mangiyak-ngiyak itong humihingi ng tawad sa gobernador at sa lahat ng mga nakakita ng kaniyang post. “Pasensyahi niyo ako kay tawo malang kaisa malang magkasala,” sabi niya sa kaniyang public apology.

Paliwanag niya nadala lamang siya sa kaniyang inis at impluwensiya ng social media. Panawagan naman niya na huwag tularan ang kaniyang ginawa.

Continue Reading