Connect with us

Capiz News

Lalaking wanted sa kasong Arson, arestado sa Ivisan, Capiz

Published

on

Arestado ang isang lalaking wanted sa kasong Arson sa Brgy. Binuntucan, Pontevedra, Capiz dakong alas-10:00 ng umaga nitong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Roy Este y Apitong, 26-anyos, may-aswa, residente ng nasabing lugar.

Siya ay inaresto ng kapulisan ng Pontevedra PNP sa pamumuno ni PMaj Syril Punzalan sa bisa ng Order of Arrest na may petsang Disyembre 11, 2019 na nilabas ni Presiding Judge Alma Bañas-Delfin, RTC, 6th Judicial Region, Branch 15, Roxas City, Capiz.

Nahaharap sa kasong Other Cases of Arson sa ilalim ng Section 3 (4) ang akusado.

Php120,000 ang itinakdang pyansa ng korte para sa pansamantalang paglaya nito.

Nakakulong ngayon ang akusado sa Pontevedra PNP Station para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading