Connect with us

Capiz News

Legalisasyon ng ‘marijuana’ sa bansa gustong suportahan ng Roxas City Council

Published

on

Ilang konsehal ng Roxas City ang nagpahayag na gusto nilang suportahan ang legalisasyon o pagsasabatas ng paggamit ng medicinal marijuana sa bansa.

Sa kanyang talumpati sa regular session ng Sanggunian, sinabi ng doktor at konsehal na si Cesar Yap ang kaniyang plano na magpasa ng resolusyon kaugnay rito.

Mababatid na nitong mga nakaraang araw ay inaprubahan ng Dangerous Drugs Board “in principle” ang cannabidiol o CBD, isang sangkap mula sa naturang halaman para gamiting gamot para sa epilepsy.

Ang isa pang sangkap ng ‘marijuana’ na may sayentipikong pangalan na cannabis ay ang tetrahydrocannabinol (THC) na nagiging rason ng pagka-high ng isang tao.

Ayon sa report ng World Health Organization (WHO), “in humans, CBD exhibits no effects indicative of any abuse or dependence potential … To date, there is no evidence of public health-related problems associated with the use of pure CBD.”

Ilang konsehal ang nagpahayag na suportado nila ang plano ni Dr. Yap. Isa rito ang number one councilor na si Jericho Celino na nagsabing napag-iiwanan na tayo. Panahon na para gawin itong legal.

Sang-ayon rin dito ang abogado at konsehal na si Garry Potato. Gayunman sinabi niya na gusto niyang dinggin muna ang usapin sa komitiba para kunin ang pahayag ng mga eksperto.

Nagpahayag rin ng kaniyang suporta ang regular presiding officer ng konseho na si Vice Mayor Erwin Sicad. Pero aniya baka maabuso ito. Gaano raw ba kahanda ang mga Pilipino rito.

Sagot naman ni Dr. Yap, na siya ring chairperson ng Committee on Health, dapat maging handa ang taumbayan.

Nilinaw ng konsehal na ang sinusuportahan niya ay ang sangkap lamang na ligtas gamitin o ang CBD parang ipanggamot sa epilepsy.

Nakatakdang sumailalim sa pagdinig ng Committee on Health ang nasabing usapin.

Continue Reading