Capiz News
Mag-ina nabanggaan ng motorsiklo sa Sigma, Capiz; apat sugatan


Isang mag-ina ang nabanggaan ng motorsiklo sa Brgy. Dayhagon, Sigma, Capiz nitong Huwebes ng hapon.
Kinilala ang mga biktima na si Margie Elvira, 34 anyos, at anak na si Eman Evlvira, 9, mga residente ng nasabing lugar.
Batay sa report ng Sigma PNP, naglalakad ang mag-ina sa gilid ng kalsada nang sila ay mabangga ng motorsiklo na menamaneho ni Ruperto Eduque, 52-anyos, isang tanod.
Angkas ng motor driver ang isang nuebe anyos na si Reyhan Eduque, mga residente ng Brgy. Nasunogan sa Dao, Capiz.
Dahil sa aksidente, parehong ang mga biktima at ang driver ng motor at angkas nito ay natumba sa kalsada at nagtamo ng sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan.
Agad na binigyan ng paunang lunas ang mga sugatan ng mga rumespondeng tauhan ng Sigma Responding Team at ng BFP Sigma saka isinugod sa ospital.
Ang mga biktima ay dinala sa Sen. Gerardo Roxas District Hospital sa Dao, Capiz habang ang driver ng motor at angkas ay dinala sa Mambusao District Hospital sa Mambusao.