Capiz News
MAGKAKAPATID NA AZARES, SINAMPAHAN NG KASONG MURDER KAUGNAY SA PAGKAMATAY NG SAKRISTAN NA SI JOEY DUMANGON
Sinampahan ng kasong Murder ang magkakapatid na Azares sa Provincial Prosecutor’s Office matapos umanong pagtulungang patayin ang sakristan na si Joey Dumangon ng Brgy. Anhawon, Panay, Capiz.
Kinilala ang magkakapatid na sina Jerry Azares, 25-anyos, at Hargie Azares, 31, mga residente ng nabanggit na lugar.
Nakasaad sa criminal complaint na inihain ni PSSg. Bryan Zen Bacay, imbestigador ng kaso, na noong Enero 22, pinagtulungan umano ng magkakapatid na bugbugin ang biktima na tinamaan sa kaniyang ulo at iba pang bahagi ng kaniyang katawan rason ng pagkamatay nito.
Enero 24 nang matagpuan ang bangkay ng biktima.
Mababatid na Enero 22 na nagninong sa binyag ang biktima at nagabihan doon sa bahay ng mga Azares sa Sitio Pangpang matapos makipag-inuman.